Canlubanger ka ba?

Saan ka nakaka-relate dito?

1. Kahit ang pangalan ng dentista natin ay Doctor Ambrosio, alam mong hindi siya ang tinutukoy pag sinabing Doc A.

2. Sawa ka na sa katagang “wala sa Canlubang ang La Salle Canlubang.”

3. Hindi ka man lang nagtataka bakit ang tawag sa NewLab ay NewLab gayong ilang taon na ito.

4. Hindi ka man lang nagtataka bakit may fashion show taon-taon gayong wala naman tayong course o subject na patungkol dito.

5. Kapag sinabi ng kaklase mong eleven o’ clock ang klase nya, iniisip mo na ang ibig niyang sabihin ay 11:20.

6. Lagi mong naririnig ang mga kaklase mong nagrereklamo tungkol sa La Casita, kahit dun pa rin naman sila kain ng kain.

7. Ayaw mong bumili ng diskette sa bookstore sa ibaba.

8. Sinubukan mo nang ipronounce ang pangalan ni Ms. Scheherezade Ruivivar, at hindi ka man lang nagtataka bakit H at Jeng ang palayaw nina Ms. Ethel Fernando at Ms. Christine Gendrano.

9. Alam mong si Ms. Buyser at Ms. Punzalan ay iisang tao.

10. Alam mong ang teacher na may pinakamahabang buhok ay hindi babae.

11. Hindi mo kilala lahat ng teacher sa faculty room, pero kilala mo kung sino si Ms. Pat, Ms. Jenny, Jigs, Emil, at sir Percy.

12. Bagamat sikat na kataga sa La Salle system ang salitang “Animo”, kapag narinig mo sa ordinaryong usapan ang salitang Animo sa school, mas una pang napasok sa utak mo na isang Theater organization ang tinutukoy.

13. Hindi ka naghahanap ng sarili mong kopya ng student publication.

14. Kapag sinabihan kang papasok ang kaklase mo sa 420 class nya, walang ibang kahulugan na pumapasok sa isipan mo.

15. Naririnig mo ang kaklase mo na sinasabing mas magaling ang course niya kaysa sa ibang course, kahit na sa totoo lang ay marami na siyang binagsak na subjects sa course niya.




May naiisip kang idagdag? Email mo sa canlubanger@gmail.com (subject line: Canlubanger ka ba?)