Palitan na ang Pangalan ng NewLab

Nung unang taon ng DLSC, ang ginagamit naming Computer Lab ay ‘yung nasa dulo ng East Wing ng 3rd floor, na ang pangalan pa noon ay ComLab.

Sa sunod na taon yata nabuksan ang 4th floor, at kasabay nito ang bagong Computer Lab. Ang alam ko, internal name lang yung NewLab... wala naman kasing maitatawag sa bagong computer lab, kaya ang tinawag sa bagong lab ay New Lab. Ang pangalan na kasi ng rooms, letter kung nasaang Wing siya (E for east, and W for west), tapos number nung floor, at kung pang-ilang room ito mula sa gitna. Kaso nga, nasa gitna ng 4th floor ang New Lab, kaya walang naging angkop na pangalan. Kaya kahit sa papel, New Lab na lang ang tinatawag sa kanya.

Kaso, makalipas ang ilang taon, parang di na angkop ang pangalan ng NewLab. Kapag nakita ng New Freshmen, iisipin nila na bago, kasi nga NewLab, na baka sila ang bibinyag, at kahit na well maintained naman at di naman mukhang luma, kahit unang pagpasok ng mga students natin na graduating na ngayon (‘yung mga on time na four years) ay nandyan na ‘yan. New pa ba ‘yon, e ilang taon na ‘yan.

Ang pinakamalaking problema ay paano gagawin natin pag nagkaroon uli ng bagong computer lab. Ano itatawag natin? NewerLab? Kapag hindi kasi, baka isipin ng mga New Freshmen na mas bago pa ‘yung NewLab. Panget at nakakalito naman kung ‘yung mas bago ‘yung tatawagin na nating NewLab at 'yung NewLab ngayon ay tatawagin na nating OldLab. E kaso, paano pag may ginawa pang mas bago sa NewerLab? NewestLab? Paano kung may ginawa pang mas bago sa NewestLab? ThisIsActuallyTheNewestLabAndTheLabKnownAsNewestLabIsNoLongerActuallyTheNewestLabAsThisIsActuallyNewerThanThatLab. Ang mabigat, paano kung may gawin na mas bago pa dun? ThisIsActuallyTheNewestLabAndTheLabKnownAsThisIsActuallyTheNewestLabAndTheLabKnownAsNewestLabIsNoLongerActuallyTheNewestLabAsThisIsActuallyNewerThanThatLabIsNoLongerActuallyTheNewestLabAsThisIsActuallyNewerThanThatLab. At paano kung may gawin na mas bago pa dun?! Well, you get the picture, recursive na lang ‘yan.

Kaya napapanahon ng palitan ang pangalan ng NewLab. Para di na kayo mag-isip, ako na magrerecommend ng pangalan. I suggest we call it Encarnacion Lab.







Pero since paalis na si Doc A, sige na nga, Azcarraga Lab na lang.